Tinig ng Katotohanan
Sa tintaโy buhay ang laban Katotohanan ang sandigan Di kayang ikulong ng karimlan Ang boses ng mamamayan
Sa tintaโy buhay ang laban Katotohanan ang sandigan Di kayang ikulong ng karimlan Ang boses ng mamamayan
Nauna pa sa tilaok ng manok Ang businang pumupukaw sa daanan Pati ang arnibal ng mananahong binabaybay ang sulok. Habang tulak naman nila ang karitong laman ay gulayanโ Silang laging nasa ilawan ngunit hirap kung masinagan
Change motioned like moths drawn to flames that entice, Buzzing in unison for history's death, But if tomorrow exhales its final breath, At what cost will you pay for freedom's price?
Binulabog ang kalupaan ng peligrong walang sinuman ang umakalang tutumba ng pangarap at kikitil ng buhay. Manaka-naka ang babala, mala-ambon ang mga bahala. Hindi na naman lubos-maisip, ngunit muli na namang nakalimot ang lipunan sa mga aral ng nakaraan.
Bulok ang ugat ng ilang tanim na palay ni Mang Juan kayaโt ganoon na lang ang himutok niya nang makita ito. Malaki ang magiging epekto nito sa kabuuang ani niya sa kanyang lupang sinasaka. Siguroโy dahil ito sa pagpili niya ng mababang uri ng pamunla. Ipinagkibit-balikat ko ito at nagpatuloy sa ginagawa.
Nagbunyi ang baryo nang magsihain ang mga ito ng ibaโt ibang putaheng pansalo-salo. Nariyan ang nagmamantikang putchero kasama ang pambansang ulam na adobo, sabayan pa ng panulak na buko na talagang mapapasobra ang subo ng kahit na sino.