Literary

BAONG ARAL

Binulabog ang kalupaan ng peligrong walang sinuman ang umakalang tutumba ng pangarap at kikitil ng buhay. Manaka-naka ang babala, mala-ambon ang mga bahala. Hindi na naman lubos-maisip, ngunit muli na namang nakalimot ang lipunan sa mga aral ng nakaraan.

Binungkal ng baha ang bahid ng buwis na tinipid sa kalsada; nilikom ng bulsa. Tulay na pang-ugnay ang siyang naisipang gawing sablay sa daan. Ano pa't sino ang makaaalam nitong kasuklaman kung hindi ang kapangyarihan ng ragasang walang tao ang makapipigil sa pag-agos. Awang naramdaman sa mga nasa kabilang panig na hindi makadadaan sa kabihasnan, galit kapag mahihinuhang silang mga lumilikom ng pondo at nagpapalitada nito. ๐˜š๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐโ€™๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฅ?

Pinabagsak ng marahas na buhos ang bulko-bulkong punong ilang taon pinatuboโ€™t ilang segundo lang pinatumba. Silang mga matatayog na pinagpasensyahan ang mga bulldozer na pumatay ng kanilang kabaro, sila na ring lumuhod sa lupa na parang sila ang humihingi ng tawad sa kasalanan ng mga nilalang. Awa na lang, sa susunod na henerasyoโ€™y agawan ng porsyento ng hangin na lalagot sa mundong naghihingalo.

Bumaba sa lansangan ang mga linyang naging mitsa ng rebolusyong pang-industriya. Paano na makakausap ng mga iskolar na nasa dormitoryo ang kanilang pamilyang nasa tahanan? Kaawaan, nawa ay nasa ligtas silang estadoโ€™t kalagayan. ๐˜š๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ข๐˜ธ๐˜ข-๐˜ข๐˜ธ๐˜ข?

Bumulusok sa baradong kanal ang katotohanang hindi tayo handa sa lahat ng oras; turingan man tayong tilapia ng Silangan. ๐˜’๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ด๐˜ข?

Binilog ng unos ang kanilang sarili habang papaalis sa Perlas ng Silangang durog ang bahay at puso ng mga naiwang kaluluwa sa kalupaan. Isiniwalat ng kaniyang bangis ang preskong sugat ng bayang ilang buwan pa bago humilom. Wariโ€™y isang bagyo na naman ang bubukas sa balintataw ng bayang nasanay sa trapo bilang panlinis sa dungis ng pangalang magarbo kapag malapit na ang halalan. Ngunit batid natin na hindi taumbayan ang nagkulang.

โ€™Pagkat bumuhos ang tulong ng mga grupong nagbibigay silong kahit sa ilang araw upang makagapang mula sa kumakalam na sikmura. Munting handog na may malaking layunin hindi lamang upang makatulong kundi kabayanihang naging isang kasaysayan. Sila na nagkapit-bisig na hindi kinaya ng marupok na bisig ng may kapangyarihan. ๐˜‰๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ต๐˜ข ๐˜ข๐˜บ ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข at kalinga.

Binaha ng bagsik ang mga kolektibong bayaning nagngingitngit ang galit na kinukuwestyon ang kakayahan ng mga berdugong naka-plaster sa bawat kanto. Nilipad na sana ng hangin ang bangungot na dala ng inyong ngiti sa kamera at nganga sa kamara. At kung matapos ng hagupit ay nananatili pa ring mahigpit ang kapitโ€”ang kakapal naman ng mukha at ng pinagpakuan sa inyo.

Umalingasaw ang baho ng baradong kanal kasabay ng mga sigaw ng buradong kaluluwang umaapuhap ng puntod at ng hustisya. Ang ilan ay tuluyan nang nabaon sa lupa at ang karamihan ay patuloy na humuhukay ng kanilang daan patungo sa liwanag. Inaalala sila ngayon nang may lubos na pagkalinga; ngunit araw-araw mananatili ang mga sandaling hagupit ng kalikasang nagnakaw ng daan-daang pangarap.

Batid ang kapabayaan sa kagampanan ng kalayaan. Bulyaw ng mamamayan ay tila batingaw lamang sa kaitaasan. Bigyan niyo kami ng oras upang bumangon at lumuha โ€˜pagkat kami ang pag-asa ng bayang sawing-palad na aming sinisinta. Bigyan niyo kami ng panahon para humilom at huminga.

๐˜‰๐˜ช๐˜จ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข.


Mga salita ni Xy Aldrae Murillo, Managing Editor
Dibuho ni Von Ami Frondozo, Arts and Graphics Editor

Comments