Ang lipunan ay isang makina: Hindi ito gagalaw kapag wala ang isang piyesa
Tila napurnadang kadena ng behikulo ang itsura ng hanay ng mga komyuter sa gilid ng kalsada ng Daraga, Albay habang nag-aabang ng pampasaherong dyip nitong Marso 19. Isa sa kanila si Rica Galoso, 24 anyos na saleslady, na papuntang trabaho sa Legazpi City. Halos 15 minuto na siyang naghihintay, subalit ayon sa kaniyaโy mailap noong mga oras na iyon ang pagdaan ng mga pampublikong sasakyan.