Literary

๐’๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐Š๐€๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐Œ๐€๐๐Ž๐Š

Nauna pa sa tilaok ng manok
Ang businang pumupukaw sa daanan
Pati ang arnibal ng mananahong binabaybay ang sulok.
Habang tulak naman nila ang karitong laman ay gulayanโ”€
Silang laging nasa ilawan ngunit hirap kung masinagan

Batingaw ng kuliglig ang siyang gumigising
Sa panaderong maaga kung magpaalsa
Dahil sa kanilang mundo, sipag ang kanilang sining.
Hindi ang pagod o ang baryang kumakakalansing,
Indikasyon ng kanilang estadong mahirap idaing

Sa paglago natin, napag-iwanan silang iba kung bigyang diin.
Sapagkat sa mundo ng trabaho, tanging lisensyadoโ€™t nasa gusali
Ang bantog kung maituring bilang kawani naโ€™tin
Bagamat lahat ay masasabing natatangi,
Ngunit paano silang mga malayo sa rangya at puri?

Silang lantayan ng lipunan,
Mga mangagawang minuto ang puhunan

Mga salita ni Bhon Andrei Ogao, Unibรช Writer
Dibuho ni Jan Ivan Razonable, Unibรช Artist

Comments