Demokratikong Institusyon: Makialam sa Diskusyon at Ihalal ang Dapat sa Posisyon
Sa loob at bawat sulok ng institusyon, nararapat lamang na ang demokrasya ay maghari. Ito ay pagkakaroon ng kalayaang magpahayag ng kani-kanilang saloobin. Ito ay ating boses, kapangyarihan, at karapatan bilang isang iskolar at mag-aaral ng pamantasan.