Kasing kunat ng hindi-gaano napakuluang taba ang kasalukuyang pamamahala.
Ilang buwan na ang lumipas simula nang nguyain ng mga Bueรฑo ang mga katagang โUniversity for Humanityโ na tila nakapapagod sa panga at nakasusuka sa sikmura. Wariโy mga salitang pilit isinungalngal sa lalamuman upang hindi makahinga at makapagsalita.
Ito ang nakalulungkot na senaryo sa ganitong pamumuno na hindi replektibo sa kanilang mga aksyon ang mantra para sa mga mag-aaral na ang sabi pa noong una ay walang maiiwan at walang mapag-iiwanan.
Hinggil ito sa Office Memorandum na nagsasabing lifted na ang pag-suspend sa klase sa Pamantasan ng Bikol simula bukas, Nobyembre 18, kahit katatapos pa lang manalasa ng #PepitoPH noong nakaraang araw.
Matapos itong batikusin ay agaran namang inaksyunan; hindi nga lang ang inaasahang tugon dahil ayon sa sumunod na memorandum, patuloy pa rin umano ang panukalang hindi na suspendido ang mga klase bukas.
Awa na lang ang mararamdaman ng mga mag-aaral sa kapwa nila BUeรฑo na umuwi sa malayo, lalo na ang mga nasa pulong lalawigan ng Catanduanes at Masbate. Maaga naman ngang pinauwi noong Huwebes para makapaghanda sa bagyo, maaga rin palang pababalikin para sa memo na tila huli na rin ngang nasabi dahil hapon na ng Linggo ito inanunsyo.
Ang hindi pagtanggap sa tila simpleng panagawan ng kaniyang nasasakupan โ panawagang naglalayong siguruhin muna na handa at ligtas na ang mga mag-aaral bago muling buksan ang silid aralan, ay isa nang malinaw na indikasyon na taliwas sa bisyon ang inihahain na desisyon.
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐. Isang araw lang naman ang hinihingi at sinasamo ng inyong nasasakupan upang maihanda ang sarili sa mental, pisikal, emosyonal, at pinansyal na aspekto. Ngunit sa panawagang tila bingi o nagbibingi-bingihan ang mga tenga o di kayaโy wala talagang konkretong emosyon na nararamdaman, kulang na lang ay lumuhod sa kanyang sagradong harapan ang mga lider-estudyante, publikasyon, at ang buong komunidad ng pamantasan.
Kahit papaano, dininig naman ang mga hinaing kaya nagkaroon ng klaripikasyon sa memorandum. Hindi lang talaga lubusang napakinggan dahil hindi pa rin tunay na โclarifiedโ at natunawan ang mga mag-aaral sa naging tugon sa panawagan.
Pinahihintulutan ng administrasyon ang mga instructor na magbigay ng konsiderasyon sa mga mag-aaral, lalo na umano sa mga taga-Catanduanes at sa ibang mga apektadong lalawigan. Ngunit salita na ng memo ang nagsabing โencouraged,โ at may mga propesor na hindi rito magpapasailalim. Pipiplitin: kahit may mga mag-aaral talagang apektado, kahit may mga mag-aaral talagang nasa malayo.
Huwag na lang daw muna magsuot ng uniporme โ para bang may maitutulong talaga ito para mapagaan ang kalagayan.
Kung sa reyalidad ay hindi na kapakanan para sa ikabubuti ng mag-aaral ang inuuna, nakawawala na ng pag-asa at ng gana kung magpapatuloy pa ng ilang taon ang terminongโperformanceโ lamang ng mga estudyante ang inuuna.
Kung hindi na rin gumagana ang kolektibong panawagan, solidaridad, at pagkakaisa ng mga konsehoโt publikasyon, marahil puti na ang mata ng mga taong naghihintay ng pagbabago sa ganitong uri ng pamamalakad.
Nasasagawa naman paunti-unti ang mga bisyon sa buhay o sa posisyong hinahawakan, ngunit sa mga ganitong uri ng desisyong taliwas sa bisyon, talagang mahirap na panghawakan din ng mga tao hanggang dulo ang mga salitang sinimulan kasabay ng malapad na ngiti upang makuha ang posisyon na iyong inasam.
Kaya hindi maikakaila ng karamihan na nakapapagod talaga maging isang Bueรฑo, lalo pa kung mananatili pa rin kasing-kunat ng taba ang ganitong pamamahalaโnakauumay, walang lasa, at nakasusuka.
Comments