
Ito ang senaryo na lumiyab sa kalagitnaan ng gabi ng Pebrero 7 nang nagngitngit sa galit ang naghaharing-uri na si 2nd District Representative Luis Raymund Villafuerte dahil sa resulta ng sarbey na inilabas ng TheSPARK, ang opisyal na publikasyon ng mga mag-aaral ng Camarines Sur Polytechnic Colleges (CSPC).
Base sa sarbey, ito ay nagpakitang nangunguna si Bong Rodriguez, ang kandidato para sa gobernador ng Camarines Sur, laban kay Villafuerte. Ilang oras matapos ang pagkalathala nito sa Facebook, nagbigay babala si Villafuerte sa publiko sa pamamagitan ng kanyang post noong 11:44 ng gabi tungkol sa isang diumano'y pekeng survey na kumakalat laban sa kanya at sa kanyang pamilya.
Binantaan din ang mga editors ng nasabing publikasyon na kung hindi tatanggalin ang post ay kakausapin ito ng mga awtoridad kinabukasan.
๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐๐ข๐ก๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐จฬ
Ang post ng TheSPARK ay nagsilbing maliit na sulo na lumagablab at gumising sa diwa ng mga Villafuerte.
Maaaninag natin sa pinabaklas na post na wala itong masamang intensyon o pagyurak sa pangalan ng mga Villafuerte. Ito ay pawang repleksyon lamang ng malinis na botohan sa pamamagitan ng mga mag-aaral ng CSPC na naganap gamit ang google forms.
Sa kabilang banda, pinatulan pa rin ito ni Villafuerte at sinabing wala itong kredibilidad at walang sapat na basehan. Dito makikita kung gaano kabahag ang buntot at pagdaga ng dibdib ni โLrayโ sa ganitong sitwasyon. Makikita rin natin kung paano niya lubhang depensahan ang pangalan niya sa politika lalong-lalo naโt malapit na ang halalan.
Ang isang malaking sigร ay hindi dapat matakot sa isang mumunting kandila. Ngunit kung ganito kainit ang reaksyon ng isang politiko sa isang sarbey, hindi resulta ang kanyang kinatatakutan kundi ang unti-unting pagkatunaw ng kanyang kapangyarihan.
Ang higante nitong pangalan ay isang makinarya ng kapangyarihan ngunit ang tunay na kapangyarihan na nanggagaling sa publikong namulat na sa reyalidad ay hindi laging nasusukat sa lakas. Minsan, ito ay makikita sa takotโtakot sa mga tinig, sa mga tanong, sa maliliit na alab na maaaring lumawak at magliyab.
At tila ito mismo ang apoy mula sa panindigan ng TheSPARK kahit talikuran o ikamuhi man sila pati ng sarili nilang administrasyon.
๐๐ข๐ซ๐ค๐จ ๐ง๐ ๐๐ข๐ซ๐๐ง๐ -๐ฉ๐ฎ๐ซ๐ข
Nang magsalita ang numero, hayagang hinikayat na manira ng tao ang publiko.
Sa ganap na ika-12:44 ng tanghali, Sabado, naglabas ng isang pahayag si Villafuerte na naglalaman ng buelta niya sa sarbey na kumalat. Subalit, kaakibat ng bweltang ito ang larawan kung saan nakabilog ang Associate Editor ng TheSPARK na si Fernan Matthew Enimendez at mga paninira rito.
Ayon sa post, โHalatang biased at may kinikilingan at kinakampihan eto si Fernan Matthew at ang the spark publication dahil mismo mga tulong ng pamilya Villafuerte sa CSPC ay never ! Never Nila pigon man Lang!โ
Gayundin, binigyang-diin ni Villafuerte na ang isinagawang sarbey ay gumamit ng website link at email voting kung saan karamihan sa mga mag-aaral ng CSPC ay hindi aktibo sa paggamit ng nasabing instrumento. Kaya naman pinagdududahan niya ang resulta dahil hindi rin matiyak kung tunay ngang mga estudyante ang nagsagot sa sarbey at maaari ring baguhin o burahin ang resulta kung hindi pabor sa isang kandidato.
Agad namang dinagsa ang nasabing post kung saan kinukwestiyon ang naging bwelta ni Villafuerte sa sarbey. Ayon sa karamihan, hindi naaayon sa etika ng isang politiko ang naging pagsagot at tila ba lumagpas ito sa paninirang-puri. Gayundin, marami ang nagsasabing masyadong natakot si Villafuerte sa resulta kung kayaโt inatake nito ang mga tao sa likod ng pangkampus-pahayagan.
๐๐ฎ๐ฆ๐๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ
Sa mga nagdaang dekada, hindi lang pala nakakahon sa pagplaster ng mukha sa relief at pagkabit ng pangalan sa bawat proyekto ang panunumbat, ngunit parang kailangan pa itong i-post!
Sabagay, naramdaman din ata ng mga Villafuerte na naririndi na ang mga tao sa ilang taon na โjingleโ at pagratsada sa kalsada kaya naisipan na lang mag-ingay sa social media. Matutunghayan ang ganitong senaryo pagkatapos isa-isahin ni Lray ang mga naiambag diumano ng kanilang pamilya sa konstruksyon at pundasyon ng Camarines Sur Polytechnic Colleges.
โKaya na establish ang Camarines sur polytechnic college sa nabua is because of the strong effort of my father former governor Luis R Villafuerte. Sya nag asikaso ng lupa para matayuan at ma establish ang CSPC. Binakal pa nya an daga at pig donate sa school. Tignan nyo how big it is now! Meron villafuerte hall sa spc including the large antennae and tower, mga school buildings built by our family sa CSPC,โ saad ni Lray sa kanyang kasalukuyang FB post.
Sa paglista pa lamang ng mga ipinundar na establisyemento ay nakasusuka na basahin at walang pagkiling sa totoong serbisyo para sa masa at sa pagkakaalam ng lahat, natural na trabaho ito ng isang serbidor ng publiko.
Direkta niyang hinayag na sila ang dahilan ng lahat ng ito na parang umastang pinondohan niya ang gastos sa pagpapatayo sa ilang taon nilang pagkamkam sa titulo ng probinsya. Nasanay na ata silang sa ideolohiyang malaking negosyo ang Camarines Sur kaya niya iniyayabang ito at ipinapamukha sa mamamayan na isa itong malaking utang na loob sa kanila.
Hindi rin sapat na dahilan na hindi maging malaya ang mga estudyante at publikasyon na maglimbag ng mga pangyayaring hindi pasok sa personal niyong interes dahil kayo ang nanguna sa pundasyon ng institusyon.
Dapat lamang na tumatak sa kokote ng mga Villafuerte na hindi nila pagmamay-ari ang CSPC at hindi sila ang hari ng Camarines Sur kundi ang mga taumbayang umaasa ng pagbabago.
At sa puntong ito, patuloy na bubulabugin ng mga kabataang may apoy sa kanilang dignidad at paninindigan at hinding-hindi na ulit makukulong sa galamay ng nakagisnang pamilya.
Sa kweba ng kapangyarihan ng mga naghaharing-uri sa lupain ng Camarines Sur, ang sulรณ ay hindi lamang nagdala ng liwanag ng katotohanan kundi naglabas ng tunay na kulay ng isang dinastiyang umabot ng tatlumpong taon.
Mga Salita ni James Edward Tambobong, Editor-in-Chief
at Gerald Sopenia, Associate Editor
Larawang Disenyo ni Rens Fernandez, Layout Editor
Comments