
Ngayong araw, Hunyo 12, saktong 127 taon na ang nakalilipas, tuluyan nang nakapiglas ang Pilipinas mula sa 333 taong pagkakatali sa mga Espanyol. Naiwagaygay ang watawat sa Cavite. Nagbunyi ang mga Katipuneroโt Katipunera.
Parehong-pareho sa nangyari nito lamang Hunyo 10. Ang pagkakaiba, hindi taumbayan ang nakalaya, kundi ang impeachment articles laban kay Vice President Sara Duterte matapos ang katawa-tawang desisyon ng 18 mga senador na ibalik ito sa Kapulungan.
Damang-dama ang Independence Day para sa ating mga minamahal na senador matapos itong makalaya โ or should I say โmakatakasโ? โ mula sa responsibilidad na dinigin at hatulan ang kaso ng impeachment laban kay Duterte. Umalingasaw ang pangangamoy Duterte ni Robin Padilla. Hindi na nilubayan ng Holy Spirit si Bato dela Rosa. Nagbunyi ang mga Duterte Diehard Supporters.
Ang masasabi ko lang sa ating mga senador: Wala ba kayong mga paa? Ayaw niyo bang magtrabaho? Buryong-buryo na ba kayo? Anong silbi ng Konstitusyon kung bahag ang buntot ng mga naatasang sumunod dito?
Nagsimula lang namang magkanda-letse-letse ang matagal na dapat sinimulang impeachment trial nang pilit ipinapasok ni Dela Rosa, tuta ni Duterte, ang mosyong ibasura ang kaso laban kay VP Sara dahil hindi umano konstitusyonal ang naging paglilitis ng Kapulungan.
Hindi pa nga nakabibigkas ng kanilang panunumpa ang mga senador bilang mga husgado, nagsisimula na ng paglilitis si Bato sa kaniyang privilege speech. Understandable, someone whoโs โnot trained nor equipped for this kind of taskโ would do.
Lumabag umano ito sa Artikulo 11 Seksyon 3 Talata 5 ng 1987 Konstitusyon na nagsasabing walang impeachment proceedings ang dapat simulan laban sa parehong opisyal nang higit sa isang beses sa loob ng isang panahon ng isang taon.
Sinabi ni Senador Alan Cayetano na masyado pang maaga kung ibabasura nila ang impeachment complaint. O sa ibang salita, kung nabigyan pala sila ng mas mahabang oras ng paglilitis ay nasa opsyon talaga nila na ibasura ito. Kaya ang naisip na alternatibo ni Cayetano, ibalik ang impeachment complaints sa Kapulungan at ipa-certify na sumunod sa Konstitusyon ang kanilang naging paglilitis โ bagay na umani ng kaliwaโt kanang kritisismo mula sa mga eksperto.
Nakasaad kasi sa Artikulo 11 Seksyon 3 Talata 6 ng 1987 Konstitusyon na ang trabaho ng Senado ay litisin at hatulan ang anumang kaso ng impeachment. Hindi nakapaloob dito ang pagtukoy kung sumunod ba sa Konstitusyon ang naging pagdinig ng Kapulungan dahil trabaho ito ng Korte Suprema, gaya nga ng sabi ni Constitutional law expert Dante Gatmaytan.
In other words, nonsense ang pagbalik ng impeachment articles sa House of Representatives para lamang ipa-certify na sumunod sila sa Konstitusyon. Biro pa nga ni Economic expert Cielo Magno, โAlangan namang sabihin ng House of Reps na, โYes we violated the Constitutionโ.โ Just make it make sense.
Sa kabila nitoโy nanindigan si Senate President Chiz Escudero, na isa sa mga pumabor sa pagbalik ng impeachment case, na walang batas na nagbabawal sa Senado na magsulong ng naturang mosyon. Dagdag pa niya, dapat sumunod ang Kapulungan sa utos ng Senado dahil ito ang impeachment court โ another constitutional violation.
Hindi nakaaangat ang Senado sa Kapulungan, gayundin ang Kapulungan sa Senado. Hindi na natin kailangang mag-review ng lessons sa Araling Panlipunan noong elementarya para lamang alalahanin na pantay ang dalawang sangay na ito ng Kongreso. Tulad ng kung paanong pantay ang ehekutibo, lehislatibo at hudikatura, ngunit akala natiโy mas nakakaangat ang ehekutibong sangay.
Paglabag sa constitutional structure ng legislative branch ang pinipilit ni Escudero. At kahit anong pamimilit niyaโy may karapatan ang kapulungan na tumanggi sa utos ng Senado.
Kung titingnan sa mas malawak na perspektibo, bakit nga ba humantong sa ganitong desisyon ang Senado? Pinapatay nila ang oras upang tuluyan nang maipasa sa 20th Congress ang pagdinig.
Kung babalikan, nakasaad sa Artikulo 11 Seksyon 3 Talata 4 ng 1987 Konstitusyon, โtrial by the Senate shall forthwith proceed.โ Maaaring magsagawa ng special session sa kabila ng recess dahil hindi naman legislative function o paggawa ng batas ang impeachment trial.
Dagdag pa rito, ang pangakong sisimulan sa June 2 ang pagdinig ay hindi nasunod at inilipat na lamang sa June 11 upang mas mabigyang-tuon ang mas mahahalagang trabaho ng Senado. Ginamit na lang sana ng mga senador sa paglilitis ang oras na ginugol nila sa pagpapalusot.
Pilit hinaharangan ng mga pro-Duterte ang impeachment. Naghuhugas-kamay ang mga kaalyado ng kasalukuyang administrasyon, tulad ng kung paano tumakas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga katanungan. Paulit-ulit sinasabi ni Marcos na salungat siya sa impeachment, lalo paโt ilang beses na rin siyang nagpahiwatig na gusto niya ng โreconciliationโ sa mga Duterte.
Bagamaโt hindi nangangahulugang pagbasura ang pag-remand sa impeachment case, malaki pa rin ang ibig sabihin nito sa kung anong magiging kapalaran ng kaso. Ipinapahiwatig lamang nito na maging ang Senado, maliban sa lima, ay duda sa katibayan ng impeachment.
Ngayong malinaw na sa 20th Congress na maipagpapatuloy ang paglilitis, hindi malabong maulit ang naturang eksena sa Kongreso. Malinaw ding hindi talaga ito gugulong kung patuloy na magpapadikta ang ating mga mambabatas. Simple lamang ang senaryo: may impeachment case, kailangang litisin, dinggin ang sentimyento ng dalawang panig, buksan ang mga ebidensya, hatulan.
๐ฆ๐ถ๐บ๐ฝ๐น๐ฒ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ด๐๐ป๐ถ๐ ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด๐ถ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ต๐ถ๐ฟ๐ฎ๐ฝ ๐ธ๐๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ถ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐๐๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ถ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ผ๐น, ๐ฎ๐ ๐ธ๐๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ผ๐ป๐๐ฟ๐ผ๐น ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฎ๐บ๐ผ.
๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐ผ๐ป๐ด, ๐๐ถ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐บ๐ผ? ๐๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ผ๐, ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ, ๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐บ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป?
Mga salita ni Angelee Kaye Abelinde, Unibรช Copy Editor
Dibuho ni Von Ami Frondozo, Unibรช Arts and Graphics Editor
Comments