Sinadya kong magsulat ng isang artikulong hindi tumatalakay sa mga nakakahilo’t nakakabanas na isyung bumabalot sa ating bansa pati na rin sa ating unibersidad. Ninanais ko, sa pamamagitan ng kolum na ito, na magbigay pugay sa isang publikasyon na walang ginawa kundi ang maghatid ng nararapat at maaasahang serbisyo sa mga estudyante, sa BU at maging sa komunidad – ang The Bicol Universitarian. 45 taon. 45 taon na ang opisyal na pamahayagang pang-unibersidad ng BU. At sa higit apat na dekadang pakikibaka ng publikasyon na ito sa ating institusyon, sa pamamagitan ng malayang pamamahayag, mapalad ako na mabigyan ng pagkakataon na manilbihan dito ng apat na taon. Hindi matutumbasan ng Nakatikim ka na ba ng 45 anyos? anumang salapi ang pagod at mga aral na napulot ko sa publikasyong nagmulat sa aking mga mata sa mga mahahala- gang isyu’t impormasiyon na dapat malaman ng mga kapwa ko Bueno. At sa apat na taon kong pamamalagi sa Unibe (alyas ng publikasyon), nasaksihan ko kung paano nito ipinamalas ang sinasabing genuine student service – na ika nga’y walang ibang hinangad kundi ang ipaglaban ang karapatan ng mga estudyante at isangguni ang kanilang mga hinaing at sentimiyento sa administrasyon.
Ngayon, nakatikimka na ba ng 45 anyos? Kasi ako, oo na. Masarap at ninamnam ko ang bawat sandaling sumakay ako sa indayog at ritmo nito. trasyon sa pamamagitan ng mabisa at makatotohanang pagbabalita. Bagama’t hanggang ngayon, hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na hadlang pa rin ang mababang pondo ng publikasyon dahil na rin sa mababang publication fee nito – P12.00, na siya ring pinaka-mababa sa buong bansa. Gayunpaman, kailanman ay hindi sumuko ang Unibe sa pagsasabuhay ng mantra nito – Fainess, Accuracy, and Genuine Student Service.
Ngayon, nakatikim ka na ba ng 45 anyos? Kasi ako, oo na. Masarap at ninamnam ko ang bawat sandaling sumakay ako sa indayog at ritmo nito. Nilasap ko ang bawat pagkakataon na tinitira at hinihigop ko ang bawat kapeng nagbigay init sa aking katawan sa kalagitnaan ng malalamig na press works. Napa-ungol ako sa tindi ng hapding dulot ng paghahanap ng balita habang tirik na tirik at nag-aalab si Haring Araw. Sa aking huling kolum sa Unibe, wala akong ibang hangad kundi ang tagumpay ng publikasyong ito. Publikasyong nagbigay ng maraming aral sa akin. Publikasyong itinuring kong ikalawang tahanan... Mabuhay ang Unibe!
Mabuhay ang Pampaaralang
Pamahayagan! Mabuhay si Ka Ernie!
𝙒𝙧𝙞𝙩𝙩𝙚𝙣 𝙗𝙮 𝙅𝙤𝙨𝙝𝙪𝙖 𝘾𝙖𝙡𝙚𝙗 𝙋𝙖𝙘𝙡𝙚𝙩𝙖
𝙋𝙪𝙗𝙡𝙞𝙨𝙝𝙚𝙙 𝙙𝙖𝙩𝙚: 𝙅𝙪𝙣𝙚, 2018
𝘼𝙧𝙩𝙬𝙤𝙧𝙠 𝙗𝙮 𝙅𝙤𝙝𝙣 𝙋𝙖𝙪𝙡 𝙈𝙖𝙧𝙠 𝘽. 𝘽𝙖𝙨𝙞𝙡𝙡𝙖, 𝙐𝙣𝙞𝙗𝙚 𝘼𝙧𝙩𝙞𝙨𝙩
Comments