(๐๐ณ๐ฐ๐ฎ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐๐ณ๐ค๐ฉ๐ช๐ท๐ฆ๐ด)
๐๐๐๐๐๐ (Asawa ni Babalu): Kung feeling mo ikaw ay isang Student TraPo, โwag mo nang tangkain pang basahin ang buong nilalaman ng artikulong ito. Masasaktan ka lang.
Nariyan sila lagi. Laman ng News Feeds mo sa Facebook. Yung mga organismong walang ginawa kundi magpost nang magpost ng mga kaeklatan nila sa mga social media sites at umaani ng daan-daang auto likes. Yung mga estudyante na walang ginawa kundi umeksena kahit hindi naman kinakailangan ang presensya nila. Yung mga self-proclaimed-student-leaders kahit wala namang kayang patunayan ay talaga namang tatakbo sa konseho para lang ma-feel yung moment na nasa tarpaulin ang mga pagmumukha nila.
At ngayon, upang mas lumawak ang ating kaalaman at pag-intindi sa mga kapwa natin estudyante na dumaranas ng ganitong mentalidad, ating himay-himayin ang mga tuntunin para sa mga Student TraPos (Traditional Politicians).
๐ฆ๐จ๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ก๐ ๐ฆ๐ง๐จ๐๐๐ก๐ง ๐ข๐ฅ๐๐ฆ
Alalahanin mo, tatakbo ka sa eleksyon. So kailangan mo ng maraming credentials para marami ka ring malagay sa tarpaulin ng partido niyo. Mas effective kung sisimulan mo ang pagsali sa mga orgs kung freshman ka pa lang โ para mas lalo mong mahasa ang sungay mo, ay este ang abilidad mo sa โshtdent ledershepโ. And make sure, yung sasalihan mong mga org ay kilala para may maipagmamalaki ka sa mga estudyante (kahit wala ka namang nagawa).
Tiis gutom ka lagi araw-araw kapag nagsisimula ka sa mga orgs. Uutusan ka lagi at uuwi kadalasan nang hating-gabi. Dadaan ang mga araw na tatanungin mo ang sarili mo, โDito ba ang sulok kong takda?โ Pero syempre, you porsses the most vital characteristic na matatgpuan lang sa mga Student TraPo โ ang pagiging Position Seeker. Hipokrito ka kung sasabihin mong, โHindi po kailangan na mataas ang posisyon mo para masabing may nagawa ka blah blah blahโฆโ Pweh! Lahat ng ito ay plinano mo upang sa gayon ay magpakasasa ka sa mga beneifts na matatamasa mo should you be on the top of the org.
๐๐๐ช๐๐ฌ๐ฆ ๐ช๐๐๐ฅ ๐ ๐ฃ๐๐๐ฆ๐ง๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐
Student TraPo ka, so you should always smile โ in the hallway, cafeteria, classroom, grounds, studentsโ lounge, in the offices, sa kalsada, hanggang sa pag-uwi mo. Dalhin mo yang kaplastikan mo araw-araw dahil kapag oras na dumating ang eleksyon, you will be remembered as the pathetic loser na walang ginawa kundi makipag-plastikan sa mga esdyudyante maigapang lang ang kanilang boto. Bahaha!
But, but, but, if in case manalo ka, aba! Magbunyi ang tartar mo! Dahil may ipa-pang braces ka na, katas ng pangungurakot mo sa kaban ng org! Hahaha. Meron pa ngang iba dyan na talagang nagpapabrace kahit nagkakandahirap-hirap na sa buhay, maipagmayabang lang ang mga bakod nila sa ngipin. At nakuha pang mag-post sa FB ng, โ๐๐ฐ๐ฏโ๐ต ๐ญ๐ฆ๐ต ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ธ๐ฐ๐ณ๐ญ๐ฅ ๐ค๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ๐ฆ ๐บ๐ฐ๐ถ๐ณ ๐ด๐ฎ๐ช๐ญ๐ฆ, ๐ฃ๐ถ๐ต ๐ญ๐ฆ๐ต ๐บ๐ฐ๐ถ๐ณ ๐ด๐ฎ๐ช๐ญ๐ฆ ๐ค๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ๐ฆ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ธ๐ฐ๐ณ๐ญ๐ฅ. #๐๐ณ๐ข๐ค๐ฆ๐ด #๐๐ช๐ณ๐ข๐ฑ๐๐ถ๐ฎ๐ข๐ช๐ฏ #๐๐ฉ๐ฆ๐๐ฆ๐ฆ๐ญ๐ด #๐๐ฐ๐ถ๐ฑ๐๐ข๐ฏ๐จ๐๐ท๐ฆ๐ณ๐บ๐ฅ๐ข๐บโ. Punyemas.
๐๐ก๐ข๐ช๐๐๐๐๐ ๐๐ก ๐๐๐๐๐ง๐ ๐๐ฆ ๐ ๐ฃ๐๐จ๐ฆ; ๐๐ข๐ข๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐ ๐๐ฅ ๐๐ฆ ๐ ๐ ๐จ๐ฆ๐ง
Because you know, haharap ka sa publiko at kailangan mo ng matinding bala na pang laban mo sa mga nambabatikos saโyo. Itโs a plus factor kung marunong ka sa debate at mas gaganda pa ang arguments at rebuttals mo kung maayos ang English o Filipino grammar mo. Pero what if hindi ka marunong sa debate at semplang ka rin sa grammar? Well, ๐ถ๐ญ๐ช ๐ฏ๐ข ๐จ๐ช๐ณ๐ญ. ๐๐ฅ๐ถ๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ฌ๐ข๐บ ๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข ๐ฎ๐ฐ. ๐๐ข๐จ-๐ช๐ด๐ฌ๐ธ๐ช๐ญ๐ข ๐ฌ๐ข ๐ฏ๐ข ๐ด๐ข๐ฏ๐ข.
Seriously, hindi biro ang papasukin mong journey. Dapat matatag ka dahil haharap ka sa mga estudyante na walang ginawa kundi sukatin at husgahan ang iyong ledershep skells base sa husay mo sa Subject-Verb agreement. Hahaha!
๐๐๐ก๐๐ ๐๐ ๐ฃ๐๐ฃ๐๐๐๐๐ข๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐๐ฉ๐๐ก๐ง๐ฆ
Isa ka ngang trapo, so dapat, nasa spotlight ka parati. Hindi ka sanay na nasa gilid lang, tinatawag kung kailan lang kailangan, at uutusan lagi kahit halatang lupaypay na. You always seek and crave for that precious and historic moment in your life wherein it's just you, the universe, and the microphone. You always want to be heard because you firmly believe that your statements are of great help to the community, to the academe, and to the whole student body. Life Changing. Yung tipong banas na banas na ang audience sa kakapakinig ng mga litanya mo at inside their heads, hinahampas ka na nila sa pader at minamartilyo hanggang sa mayurak at mapino ang ulo mo.
Another thing, is tuwing may pageant. Yan na, Todo pustura ka. Tiis ganda ka kahit na naliligo ka na sa sarili mong pawis at pumuputok na ang varicose veins mo dahil sa ultra-mega-six-inch-killer heels mo. Habang yung mga nakatataas saโyo, ayun panuod-nood lang.
Sa kabilang dako, syempre kapag pageant night, may mga artistang judges so ang battle cry mo, โ๐๐ข๐ญ๐ข ๐ฑ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ช๐ฅ๐ช๐ฌ๐ช๐ต ๐ฐ ๐ฎ๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข-๐ฑ๐ช๐ค๐ต๐ถ๐ณ๐ฆ ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ซ๐ถ๐ฅ๐จ๐ฆ๐ด [๐ฌ๐ข๐ฎ๐ช ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฐ๐ณ๐จ๐ข๐ฏ๐ช๐ป๐ฆ๐ณ๐ด].โ Hahaha. Tapos wapakels kang magpost kinaumagahan ng pictures ng mga celebrities kahit naaagnas na ang foundation mo sa mukha at super beast mode ka na.
๐ฌ๐ข๐จ ๐๐๐ก'๐ง ๐๐๐๐๐ "๐๐๐ ๐๐ฅ๐๐๐ก๐" ๐จ๐ก๐๐๐ฆ๐ฆ ๐๐ ๐๐๐ฉ๐๐ ๐ ๐ข ๐ข ๐ ๐๐ฆ ๐๐ก๐๐๐ง ๐ฆ๐'๐ฌ๐ข
You value those people who have positions and names in the society/university. You unfriend those Jeje friends on FB during your high school days. Iba na ang level mo ngayon so namimili ka na rin ng mga iaaccept at ififriend mo sa mga social media networks.
But of course, itโs a case to case basis. Minsan ikaw na mismo ang nagpapaka-baba at accept nang accept, add nang add ng mga estudyante na hindi mo naman kilala. Bakit? siyempre eleksyon na! Kailangan mong maging โinclusiveโ dahil mantra mo ang โMoving as one to be one.โ Tapos pag nanalo ka, ia-unfriend mo yung mga estudyanteng bumoto saโyo. Kupal mo.
๐ฌ๐ข๐จ ๐ฉ๐ข๐ฅ๐๐๐๐ข๐จ๐ฆ๐๐ฌ ๐๐ข๐ก๐ฆ๐จ๐ ๐ ๐ง๐๐ ๐ฆ๐ข๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐ ๐ง๐ข ๐๐๐ฅ ๐ฌ๐ข๐จ๐ฅ ๐ฆ๐๐ก๐ฆ๐๐๐๐ฆ๐ฆ ๐ฆ๐๐ก๐ง๐๐ ๐๐ก๐ง๐ฆ
May say ka palagi sa mga issues within or outside the bounds of the university. Blow by blow ka kung maka-share at maka-status ng mga balita in the global, national, and local scheme. Because you are a know-it-all bacterium. After mo ilahad yung problema at sitwasyon, gagawa ka na ngayon ng world class thesis statement mo. At pag nagbukang-liwayway na, mageexpect ka na maraming magla-like ng senseless statuses mo but you found na meron namang naglike at nagcomment sa mga hinaing mo kahit papaano โ yun nga lang, mga kapartido mo pa. Hahaha.
๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐ ๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐ง๐๐ฃ๐ข๐ฅ๐ ๐ (๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐ ๐ก๐๐ง๐จ๐ง๐จ๐ฃ๐๐)
Idealistic ka sa mga plataporma mo. You want to effect change but you dnโt have the ability and capacity to execute such. Pero todo bigay ka pa rin, dahil sa tingin mo, ito ang makabubuti sa mga estudyante. Yung mga platforms mo na pinaglumaan na ng panahon katulad ng "More informed student body through effective information disseminationโ, โClean and Green Programโ, at kung anu-ano pang mga platorma na nag-disperse na at sa huliโy hindi naramdaman ng estudyante.
๐ฌ๐ข๐จ ๐ฃ๐จ๐ง ๐ฌ๐ข๐จ๐ฅ ๐๐ฆ๐ฆ ๐ข๐ก ๐ง๐๐ ๐๐ฅ๐ข๐ก๐ง ๐ฆ๐๐๐ง
Dahil pag may seminar o events man, lagi ka dapat makita sa front seats. Dapat may baon ka ring tissue, hindi para sa pwet mo, kundi pamahid sa maalikabok na upuan. Youโre a sucker for fame. Hindi mo deserve na umupo sa hagdanan neither tumayo nang mahabang oras hanggang matapos ang program. Kung wala ng upuan sa venue, makiusap ka na lang sa mga punong abala ng event na gawin kang organizer. By that, hindi mo mararamdaman ang pagod, may Certificate of Recognition ka pa as an Organizer, o โdi ba?
๐ฌ๐ข๐จโ๐ฅ๐ ๐๐ข๐ก๐ ๐ช๐๐ง๐ โ๐๐๐๐๐ฅ๐ฆ๐๐๐ฃ ๐๐ข๐ช๐ง๐ฆ"; ๐๐จ๐ง ๐ฌ๐ข๐จ'๐ฅ๐ ๐ก๐ข๐ง ๐ฌ๐๐ง ๐ง๐๐ฅ๐ข๐จ๐๐ ๐ช๐๐ง๐ ๐ฃ๐ข๐๐๐ง๐๐๐๐๐ก๐
Ledershep quotes are too mediocre. High school SSG others lang ang gumagamit niyan. If you want to level up your speaking abilities you should use the Student TraPo Jargons like:
Student TraPo: Hindi po ako nandito para magpasikat. Hindi po ako nandito sa harapan niyo para batikusin ang ibang partido. Hindi rin po ako tumatakbo sa eleksyon naโto para masabi lang na student leader ako. I am here for pure, honest, and genuine student service! Kayo po, mga minamahal kong mga kapwa estudyante, ang tunay na namumuno sa Konseho. You deserve platforms! You deserve change! You deserve the best! Hindi po tayo aasenso kung maninitili tayo sa bulok na sistema. So dito na po papasok ang plataporma ko na blah blah blahโฆhahaha!
Meanwhile, mahilig ka ring manira sa kapwa mo TraPo at pati na rin ng ibang partido. Nakikita mo lagi ang kakulangan at fault ng iba but deep in your heart, alam mong marami ka ring pagkukulang. Marumi ka maglaro dahil ginusto mo to eh. Hindi ka mananlo sa eleksyon kung hindi ka tataya (ng malaki). Politics is a dirty game so you chose to be dirty. Ano raw? Mahaha!
๐๐จ๐ก๐ช๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ข๐๐๐ ๐๐๐ฌ๐ข ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐ง๐๐๐ข ๐๐จ๐ง ๐ง๐๐ ๐ฅ๐๐๐๐๐ง๐ฌ ๐๐ฆ, ๐ก๐๐๐ฃ๐-๐ฃ๐๐๐ฆ๐ง๐๐๐๐ก ๐๐๐ก๐ ๐ก๐๐ ๐๐ก ๐ง๐๐๐๐๐ ๐๐๐ฌ๐ข
Kunwari beso-beso, hug-hug, at bonding-bonding; ngunit sa likod ng mga nakaka-inlove na approach niyo sa bawat isa, nagtatago ang mga dila niyo na hinalma sa dila ng ahas. Sssssss. Kapag wala na si kapartido A, viola! Tsismisan kayo to the max. Lahat kayo nagsisiraan. Andyan nang pagtsismisan niyo si certain officer na wala namang ginagawa kundi ang umupo sa opisino. O si attitude officer na nung unang linggo pa lang sa posisyon, akala mo sugo ng kalangitan sa sobrang kabaitan pero ng dumaan na ang mga buwan, mahabaging bathala, kampon pala siya ni Satanas! Haha.
๐ฉ๐๐ง๐๐ฅ๐๐ก ๐๐ ๐ก๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ง๐๐ก๐ ๐๐ ๐๐ฉ๐๐ก๐๐
Veteran in a sense na nakaka-ilang ulit ka ng Meeting de Avance pero hindi ka pa rin nananalo sa eleksyon. There is something wrong ata sa pacing mo sa iyong kampanya. Siguro naging bad ka sa mga students ilang buwan bago mag eleksyon o kung makatingin ka sa kanila during normal days, parang ikaw na yung naghaharing-uri sa unibersidad. Hindi ka na kasi ma-reach. Bear in mind na ang isang student TraPo, malapit pa rin sa mga tao. Kahit na ang tingin mo sa bawat estudyante ay, โErrrrโฆ Ka level ko ba โto?โ dapat maging consistent ka pa rin sa pagpapakitang tao mo so as to secure your good image to the public.
๐ฌ๐จ๐ก๐ ๐๐๐๐ก๐ ๐ง๐ฅ๐๐ฃ๐ข, ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ก๐ ๐๐๐๐ ๐ฆ๐จ๐๐๐๐๐ง๐ฆ ๐๐ง ๐๐จ๐๐๐๐ก๐ ๐ก๐๐ก๐๐๐ก๐๐๐ก๐๐ ๐๐ก๐ ๐๐๐ฃ๐๐ข๐ ๐
Ito na yata ang isa sa mga pinakamalupit na consequences ng pagiging Traditional Student Politicaian. Habang todo bigay ka sa iyong kaduda-dudang serbisyo sa mga estudyante, mas napapalayo ka naman sa pagkamit ng diploma na iyong pinakamimithi. Alalahanin mo na estudyante ka pa rin at ang iyong main purpose sa pagpasok sa unibersidad ay ang makagraduate. Kaya nga nauuna ang salitang โstudentโ sa phrase na โStudent TraPoโ dahil mas prayoridad mo pa rin na tapusin ang kursong kinuha mo. Pero kung ayaw mo, bahala ka, baka magawa ka sa ibang Student Trapo dyan na naka on-hold pa rin ang kanilang Transcript of Record. Ikaw rin. Bahahaha!
Hindi naman masama ang pagiging Traditional Student Politician (insert sarcsm). Normal na ito sa mga unibersidad maging sa ating bansa.
Ang pagiging TraPo ay hindi naa-achieve sa maikling panahon lang. It takes time. At sa sobrang passionate mo sa student politics, mamamalayan mo na lang isang araw na taglay mo na pala ang mga characteristics ng isang Student TraPo. Sabay tanong sa sarili mo, "Ako ba talaga 'to?"
Published in print in the Universitarian's 2015 issue.
Comments