Feature

Mag-aaral, Lumalaban!

Walang rally kung walang naaapi, walang sisigaw kung walang magnanakaw. Sapagkat, sa patuloy na malawakang pag-agaw ng karapatan at patuloy na pagbusal ng bibig ay ang mas malagim na pagpatay sa totoong demokrasyaโ€™t paguusig - hustisya!

Pagsakripisyo

Sinubok man ng pandemya ang katatagan at pagpupursige upang matuto, mananatiling kasangga sa laban sa krisis sa edukasyon. Itataguyod ang sapat na benipisyo't tulong sa mga mag-aaral, magmamartsa para sa lahat ng dapat na ipaglaban. Walang takot na ilalatag ang mga paninidigan at pahayag, makamit ang pagkakapantay-pantay. Hindi basta-basta ang kanilang mga sakripisyo madawit man sa gulo. Patuloy na sisigaw, patuloy na lalaban.

Pagkilala

Sa gayon, ang ating mga matatapang at may pinaglalaban na estudyante ay nararapat lamang na ating kilalanin kasabay sa pagdinig ng kanilang mga hinaing. Walang titigil sa pakikipaglaban hanggaโ€™t lahat ng nararapat na maibigay sa mga mamamayan ay makamtan. Ngayong ika-17 ng Nobyembre ating gunitain ang Pambansang Araw ng mga Mag-aaral kasabay ng kanilang pakikipagbaka patungo sa paghubog at pagbabago tungo sa totoong pag-unlad ng bansa.

Nilagdaan noong 2019 ng dating Pangulong Duterte ang Republic Act Blg. 11369 na nagtalaga sa ika-17 ng Nobyembre sa bansa ay naglalayon na kilalanin ang mga kontribusyon ng mga mag-aaral, lalong-lalo na kanilang pagbibigay ilaw sa mga isyung panlipunan.

Paglaban

Kaya naman, mapa-batas o moralidad man, hindi maituturing na krimen ang aktibismo bagkus isang pamumukaw sa mga nagtutulog-tulugan upang hindi makita ang pagkasadlak ng bayan sa dusa.

Pagbibigay pugay sa mga estudyante - sa lahat ng kanilang pinaglalaban at sa kanilang pakikibahagi sa progresibong pagbabago ng lipunan.



๐™‰๐™ž ๐™๐™š๐™ž๐™ฃ๐™ฃ๐™–๐™ง๐™™ ๐˜ฝ๐™–๐™ก๐™ค๐™ฃ๐™ฏ๐™ค, ๐™Ž๐™š๐™ฃ๐™ž๐™ค๐™ง ๐™€๐™™๐™ž๐™ฉ๐™ค๐™ง
๐˜ฟ๐™ž๐™—๐™ช๐™๐™ค ๐™ฃ๐™ž ๐™‚๐™š๐™ง๐™–๐™ก๐™™ ๐˜ผ๐™ก๐™ค๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™œ๐™– ๐˜ฝ๐™ง๐™š๐™˜๐™ž๐™–, ๐™๐™ฃ๐™ž๐™—๐™š ๐˜ผ๐™ง๐™ฉ๐™ž๐™จ๐™ฉ

Comments