Sa aking kamusmusa’y nadama at nalasap ko ang halumigmig ng hanging dumadampi sa aking balat, ang pagsibol ng araw na sumasagisag sa pagtanaw sa kinabukasan, at ang indayog ng kawilihan at ngiti ng bawat tao sa isang mumunting paraiso na sumasabay sa ritmo ng buhay. Malayo man sa kabihasnan kung maituturing ang isang sitio na aking kinamulatan, dito ko unang hinubog ang aking mga pangarap, hindi lamang para sa aking sarili kundi para na rin sa komunidad na aking kinalakihan. Subalit, kalakip nito ay isang napakalaking pangamba kung may pagkakataon pa bang iyon ay manatiling nagsisilbing tahanan para sa mga taong namumuhay rito. Humigi’t kumulang isang oras mula sa terminal ng Legazpi City ang gugugulin sa biyahe para makapunta sa aming municipalidad, ang Manito. Mula doon ay sasakay ulit ng tricycle papunta sa aming barangay hanggang sa dulo nito kung saan nakatahan ang aming sitio—Sitio Inang Maharang. Dito ako unang nagsimula bilang isang gusgusin na hindi naranasang maglaro ng mamahaling mga laruan, bagkus ay habulan at taguan sa maberdeng damuhan ang sa aki’y nagbigay ng sobrang tuwa. Hindi ko rin naranasang mamasyal sa mga nagsisilakihang mall o ano pa mang establisyimento sa isang siyudad, bagkus ay ligaya at inspirasyon ang aking nakuha sa tuwing kasama kong maglalakad sa palayan ang aking ina’t ama.
YAMAN NG SITIO
Pagtatanim ng gulay at palay ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa Sitio Inang Maharang. Ang agrikultura ang isa sa pinagkukunang yaman ng lugar na ito. At sa di kinalaunan ay natuklasan din dito ang yamang geothermal dahil sa ito raw ay napapalibutan ng mga hindi aktibong bulkan. Dahil dito, ipinatayo ang BacMan Geothermal Power Plant na nagbibigay ng enerhiya sa NAPOCOR ng Luzon Grid, na nasa pangangalaga ngayon ng Energy Development Corporation (EDC). Napili nila itong ipatayo sa bandang itaas ng aming barangay—ang Barangay Nagotgot sakop ang aming sitio. Ayon kay Eduardo L. Jimenez, punong tagapangasiwa ng EDC Community Partnership Department, may mga programa raw ang kanilang korporasyon na tumutulong sa mga residente ng Barangay Nagotgot sa kanilang kabuhayan at pati na rin sa edukasyon. Isa sa nabuong organisasyon sa ilalim ng kanilang programa ang Lowland Farmers na pinamumunuan ni ginoong Celedinio Dadat. Naisambit niya na mayroon daw 200 miyembro ang kanilang grupo ng mga magsasaka. Dagdag pa niya, hindi lang daw mga tagaroon ang nagsasaka sa lupain ng Sitio Inang Maharang at ilan sa kanilang mga produkto ay ang palay, gulay, kamoteng-kahoy, at iba pa. “May mga taga-ibang sitio, igwa nganing taga Manito na nag-ooma digdi. Ako talaga ang hilig ko mga gulayun, nageskwela kaya akong agriculturist sa TESDA. Ang Lowland Farmers haloy na siyang grupo, mga 20 years na,” wari niya.

EDUKASYON
Kahit isa lamang na sitio, mayroong paaralan sa aming lugar para sa elementarya. Napagyayaman namin ang edukasyon kahit na mayroon lamang na apat na simpleng silid at mga kagamitan. Isa sa aking mga pangarap ang makapasok sa isang maganda at dekalidad na unibersidad sa bansa. Dito sa Bicol, nais ko sanang makapasok ng Bicol University sa pagtungtong ko ng kolehiyo at makapili ng isang magandang propesyon sa abot ng aking abilidad. Kung papalarin naman, ay nais ko ring makapasok sa Unibersidad ng Pilipinas. Napagtanto ko na tumutulong din ang EDC sa mga kabataang nais magkolehiyo sa aming lugar sa pamamagitan ng scholarships. "Sa career project, meron kaming walong scholars sa BU, may engineering tsaka education. Itong career project very holistic yung program kasi scholarship program 'to, it started nung last sem. Nag start lang sya pag naka-enrol kana sa university, pero yung career program kailangan mo muna makapasok sa university," ang sabi ni Rowena Daep, community partner ng EDC.
TRAHEDYA
Dalawang taon na ang nakakalipas simula noong gumuho ang lupa na tumambon sa aming tirahan. Umabot ng 92 pamilya 344 na katao ang naapektuhan ng sakunang di namin inaasahan. "Massive landslide" kung tawagin ng karamihan ang nangyari doon saamin na sumira ng 90 ektaryang palayan kasama na ang 75 ektaryang taniman ng gulay at mga bahay na nailibing o nasira nito. Isang napakasaklap na pangyayari na nauwi sa galit at pagsisi ng mga taga Sitio Inang sa operasyon ng planta ng EDC. Sa pagpapaliwanag ni Jimenez, ayon daw mismo sa Department of Environment and Natural ResourcesMines and Geo-Sciences Bureau (DENR-MGB) na dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng bagyong Amang kaya lumambot ang lupa. At natuklasan din aniya na delikado ang lugar sa landslides. "Dae man. Eto lang kan pang-yayari na eto. Sarong beses lang eto nangyari. Dahil sa Bacman ta ang nangyari may burabud, dati ngane may gripo tiggagamit ninda. Inda ngane kung ano ginibo ta sinulat ninda su burabud biyu pinagdasuk sa kondaktor. Ta syempre ang tubig pag naipit mahanap na lusutan tapos su gabos na burabud pina semento ninda," pagkokonta ni ginoong Dadat. Simula noon ay nilikas na ang mga residente ng aming sitio papunta sa Barangay Nagotgot. Doon kami pinagkasya at maging ang aming paaralan ay nilipat din sa Nagotgot Elementary School. Malawak ito subalit pinagtya-tyagaan namin hanggang ngayon ang dalawang silid na kawayan ang dingding at lupa ang sahig. Sa di kinalaunan ay nagpasya pa rin ang iilan na bumalik sa aming lugar. Ang ilan naman ay pumupunta roon kapag umaga para maghanapbuhay at bumabalik sa barangay kapag gabi. Kagaya nga ng sabi ng aming guro na si Jaype Babapa na doon
din lumaki, ang aming sitio ang sentro ng kabuhayan ng aming barangay.
𝙉𝙞𝙣𝙖 𝘾𝙖𝙨𝙖𝙣𝙙𝙧𝙖 𝘽𝙖𝙡𝙖𝙡𝙖 𝙖𝙩 𝙍𝙤𝙢𝙖 𝙅𝙤𝙮 𝙋𝙖𝙙𝙧𝙚
𝙉𝙞𝙣𝙖 𝘾𝙖𝙨𝙖𝙣𝙙𝙧𝙖 𝘽𝙖𝙡𝙖𝙡𝙖 𝙖𝙩 𝙍𝙤𝙢𝙖 𝙅𝙤𝙮 𝙋𝙖𝙙𝙧𝙚
𝘿𝙞𝙗𝙪𝙝𝙤 𝙣𝙞 𝙀𝙫𝙤𝙣𝙧𝙚𝙮 𝙇𝙖𝙩𝙖𝙜𝙖𝙣
𝙋𝙪𝙗𝙡𝙞𝙨𝙝𝙚𝙙 𝘿𝙖𝙩𝙚: 𝙊𝙘𝙩𝙤𝙗𝙚𝙧 2017
Comments