Feature

๐๐” ๐€๐ฅ๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ: ๐‡๐ข๐ง๐š๐›๐ข๐ง๐  ๐“๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐š๐ญ ๐๐š๐ -๐š๐ฌ๐š ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐‚๐š๐ฆ๐š๐ซ๐ข๐ง๐ž๐ฌ ๐๐จ๐ซ๐ญ๐ž

Isang daan at siyam na puโ€™t isang kilometro ang lalakbayin mula sa maiingay na sulok ng Bicol University tungo sa barangay ng Malasugui, Labo, Camarines Norte kung saan matatagpuan ang puso ng BU alampay. Sa mumunting komunidad na ito umusbong ang isang sining na naghahabi ng kahel at bughaw na tela na siyang nagdudugtong ng simbolo ng tagumpay para sa mga BUeรฑo at ang buhay na kulturang CamNorteรฑo.
       
Sa loob ng Labo Progressive Multi-Purpose Cooperative (LPMPC), mahigit dalawampung kababaihan na ang kabuhayan ay nakatahi sa industriya ng pinya at abaca sa probinsya ang siyang masusing bumubuo ng alampay. Ang kanilang maliliksing daliri ang siyang naghahabi ng kwentong nagsisilbing tulay sa maligalig na buhay unibersidad at mayamang tapiserya ng tradisyong CamNorteรฑo.
       
Bawat alampay ay paghahalo ng makabago at tradisyunal. Maingat nilang pinagsasama-sama ang polycotton, na siyang nagpapatibay, at ang mga likas na hibla mula sa abaca at pinya upang mabuo ang matuturing na tropeyo sa bawat magtatapos na BUeรฑo.
         
Ngunit higit pa sa kanilang tiyaga, ang paghahabi ng BU alampay bilang pang-araw-araw na trabaho ay nagbigay ng panibagong sigla at mas maraming oportunidad para sa kanilang kabuhayan.

๐“๐ˆ๐๐€๐‡๐ˆ๐๐† ๐๐”๐๐†๐€
       
Higit tatlong oras ang iginugugol upang mabuo ang isang maliit na alampay. Malayo sa mga awtomatikong makina ang pagkakagawa nito dahil mismong ang mga kamay ng mga kababaihan ang siyang metikulosong nagtatagpi ng bawat sinulid upang makabuo ng isang ganap na tela. Sa isang silid nakahanay ang mga tradisyunal na kagamitang daluyan ng produkto CamNorteรฑo tungo sa mas maraming Bicolano.

โ€œSimula 2017 na napunta sa amin ang BU alampay, mas naging [consisent] na yung kita namin. Dati kasi [pakonti-konti] ang order sa amin, โ€˜yong sa BU bultuhan talagaโ€, salaysay ni Nancy Ramierez, Senior Weaver ng kooperatiba.
       
โ€œMabusisi talaga siya kasi bawat hibla [inaayos] namin. Hindi siya [iyong] gawa na dadating sa amin, kami mismo ang kumbaga [gumagawa]โ€, tungkol naman sa pagod na dala ng mumunting mga sinulid sa paghabi. โ€œPero [at the end of the day], yung pagod kasi okay lang siya kasi maganda talaga ang resulta.โ€ dagdag pa niya.
       
Matrabaho ngunit masaya ang paghahabi para sa kanila. Ayon sa kanila, natutuhan na nilang mahalin ang paghahabi sa paglipas ng panahon. Hindi na isang trabaho lang ito kundi isang paraan ng pagpapahayag. Ang kada hila at tulak na kanilang ginagawa ay bumubuhay sa isang naghihingalong uri ng sining sa bansa.
         
Dagdag pa rito ay nakatutuwa raw na makitang malayo ang naaabot ng kanilang mga likha lalong higit na ito ay isinusuot pa ng mga nagtatapos sa pinakamalaking pamantasan sa rehiyon. Para sa kanila, inspirasyon ang makitang bahagi sila ng tagumpay ng mga BUeรฑo sa bawat pagtatapos. Ang BU Alampay ay naging simbolo ng kanilang sariling tagumpay bilang mga kababaihang nag-aambag sa sining at tradisyon ng Camarines Norte.

๐๐ˆ๐๐”๐‘๐ƒ๐€๐๐† ๐‘๐”๐“๐€.

Taong 1987 nang simulang buuhin ang LPMPC at karamihan ng mga unang miyembro nito ay mga ay mga magsasaka na karaniwang ibinebenta ang kanilang mga produkto sa pamilihang bayan. Mula sa serbisyong pangsalapi ay mas pinalawak ang mga adhikain nito na pagpapalago ng mga produktong mula sa pinya kabilang na ang paggamit ng dahon nito bilang hibla.
       
Taong 2017 naman nang simulang gawin ang BU Alampay sa Malasugui buhat sa pananaliksik ng kasalukuyang pangulo ng unibersidad na si Baby Boy Benjamin Nebres III. Mula sa pagiging proyekto ay tuluyan nang itinuring na โ€œacademic regaliaโ€ ng mga BUeรฑo ang mga alampay na gawang Camarines Norte.
       
โ€œAng paggawa ng BU Alampay simula noong 2017 ay talagang nagbigay ng bagong [oportunidad] sa amin,โ€ ayon kay Rey Ulysses Dimaano, Agribusiness Division Manager ng LPMPC. โ€œDati ay kubo lang ito. Pero dahil sa tulong ng ibaโ€™t ibang [agencies] ng gobyerno at mga [trainings], natutunan naming gawing negosyo ang paghahabi,โ€ dagdag niya.
       
Ang paggawa ng BU Alampay ay nagbigay ng mas matibay na pundasyon para sa kanilang kabuhayan habang binibigyang-dangal ang kanilang sining sa rehiyon. Ito ay nag-ugat sa layunin ng unibersidad na hindi lamang lumikha ng simbolo ng tagumpay kundi upang tumulong sa lokal na ekonomiya at panatilihin ang tradisyong Camarines Norte.

๐‡๐ˆ๐๐€๐๐ˆ๐๐† ๐๐€๐†๐“๐”๐‹๐Ž๐๐†

Simula nang ipagkatiwala sa kooperatiba ang paggawa ng BU Alampay, patuloy nilang pinalalago ang kanilang hanay ng mga maghahabi. Sa kasalukuyan, higit dalawampung kababaihan ang bahagi ng kanilang adbokasiyaโ€”mga inang nakahanap ng pagkakakitaan habang nagbabantay ng kanilang mga anak.
   
โ€œMalaki ang pasasalamat namin sa Bicol University [kasi] may tiwala sila sa amin,โ€ ani Erwin Nano, General Manager ng kooperatiba. โ€œAng [creation] ng BU Alampay ay hindi lang nagbigay ng dagdag kita naging part [din] kami ng tradisyon ng BU.โ€
         
Hindi lamang kababaihan ang nakikinabang sa programang ito. Kamakailan, naging bahagi na rin ng mga maghahabi ang mga persons deprived of liberty (PDL) sa Camarines Norte. Sa tulong ng kooperatiba, sinanay ang mga PDL upang matutunan ang sining ng paghahabi bilang bahagi ng kanilang rehabilitasyon.
   
Sa bawat hila at tulak ng sinulid, hindi lamang alampay ang kanilang hinahabi. Hinahabi rin nila ang mga kwento ng lakas at inspirasyonโ€”mga kwentong nagbibigay-buhay sa kultura ng Camarines Norte habang nakikibahagi sa tagumpay ng mga mag-aaral ng Bicol University.
       
Higit isang daang kilometro man ang layo ng Malasugui sa Bicol University, sa bawat alampay naman ay nagkakaroon ng pagkakataon ang bawat kamay na maghabi ng hindi lamang tela kundi pati ng mga bagong kwento ng determinasyon. Sa ganitong paraan, ang Malasugui at ang Bicol University ay nagiging magkaugnayโ€”magkaibang mundo na pinaglalapit ng sinulid ng tradisyon, sining, at sama-samang tagumpay.

isinulat ni Gerald Sopenia, Associate Editor
Grapikong disenyo ni Jan Ivan Razonable, Artist

Comments