Feature

๐—ฆ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ

Ang pagkalayo ng isang ina sa kaniyang pamilya nang pansamantala ay tila sala-salansang kargada na sa araw-araw ay dala โ€” lungkot dulot ng pangungulila, at pag-aalala sa kalagayan ng pinanghuhugutan niya ng sigla.

Mahigit isang dekada na mula nang mapagpasiyahan ng aming ina na lumuwas ng bansa para roon makipagsapalaran at sumahod ng sapat para sa pamilya.

Ngunit sa โ€˜di mamalayang bilis ng panahon, paguwi niya sa susunod na taon ay dadalo na siya ng graduation sa kolehiyo ng kaniyang panganay at masasaksihan ang paglipat ng alampay.

๐™‰๐™–๐™ , ๐™–๐™–๐™ก๐™ž๐™จ ๐™ข๐™ช๐™ฃ๐™– ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ข๐™–

Naiwan kami sa probinsya at ang aming lola ang naatasang mag-alaga sa amin nang pansamantala. Kay tagal na nang aming madama ang walang palyang pisikal na pagkalinga sa araw-araw ng isang ina.

Paslit pa lamang kami โ€“ tipong uuwi kang dungisin at amoy natuyuang pawis gawa ng pakikipagpatintero sa eskuwela, nang siyaโ€™y mangibang-bansa.

Hindi na malinaw sa akin ang kaniyang pag-alis. Wari koโ€™y tulog pa kami sa mga oras na iyon, at paggising ay pinaniwala na lamang na babalik siya bitbit ang samuโ€™t saring tsokolate.

Gawin niya mang lumingon sa likod habang siya ay papasok sa paliparan, ay walang mukha ng kaniyang anak siyang masisilayan dahil humihilik pa kami nang dahan-dahan niyang hinihila ang maleta palabas ng tahanan.

๐™‰๐™–๐™ , ๐™ ๐™ช๐™ข๐™ช๐™จ๐™ฉ๐™– ๐™ ๐™–๐™ฎ๐™ค ๐™ง๐™ž๐™ฎ๐™–๐™ฃ?

Sabi ni lola, palagi raw namin kamustahin si mama dahil โ€˜yun lang ang lakas at pahinga niya, sabayan na rin daw ng lambing, hindi yung panay lang ang hingi ng kung ano-anong luho at kagustuhan.

Ang mapangiti man lang siya ay tiyak na pawi ang pagod sa maghapong pag-aasikaso sa bahay ng iba, at pag-aalaga sa anak ng hindi niya naman kaano-anoโ€™t kakilala.

Bata pa lamang ako ay natuto na ako ng pasikot-sikot sa iskrin ng kompyuter na mas malaki pa sa aking mukha, magawa lamang na sa kaniya kamiโ€™y nakakonekta.

Hindi biro ang mawalay sa pamilya at mamuhay sa sariling paa kasama ang katrabaho at pamilya ng iba. Kaya saludo ako sa aking ina, at sa lakas ng loob na meron siya gayundin ng iba na nasa sitwasyong katulad niya.

๐™‰๐™–๐™ , ๐™ข๐™–๐™ข๐™–๐™ฎ๐™– ๐™ฃ๐™– ๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ฉ ๐™—๐™ช๐™จ๐™ฎ ๐™ฃ๐™– ๐™ช๐™ก๐™ž๐™ฉ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ข๐™–

Iyan naman ang madalas niyang sambit bago ibaba ang video call matapos ang saglit na usapan. Oo, mas pinadali na ngayon ang komunikasyon dahil sa isahang pindot lamang sa selpon.

Ngunit sa kaniya, para bang pisonet ang sistema, sandali lamang at hindi sigurado kung gaano katagal makokontak ang pamilya na nasa ibayo pa.

Kampante naman ako dahil maayos ang pagtrato sa kaniya ng amo. Minsan ngaโ€™y nakakausap ko ang alaga niyang bata at laking tuwa ko dahil kahit papano ay may alam na itong salitang Filipino.

๐™‰๐™–๐™ , โ€˜๐™™๐™ž ๐™ฅ๐™– ๐™ข๐™–๐™ ๐™–๐™ ๐™–-๐™ช๐™ฌ๐™ž ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ข๐™–

Isang beses pinapili niya ako, โ€œUuwi ba ako sa pasko? O sa graduation mo na lang?โ€ Kapag uuwi siya ng pasko, hindi siya makadalo sa graduation ko dahil sa โ€˜di pa tapos ang kontrata niya sa trabaho.

Siya namang pagpatak ng luha ko, dahil ramdam ko ang kagalakan ng ina ko na muli kaming magsama-sama at sabay na magsalo-salo sa pagdiwang ng pasko.

Mas pinili ko ang makasama siya sa pagtatapos ko sa kolehiyo at nang masaksikhan niya ang pag-akyat ko ng entablado. Dahil mula pa noon ay hindi niya pa nagawang iabot sakin ang sertipiko at sabitan ng medalya sa harap ng maraming tao.

Nangako siya, โ€œako ang kasama mong mamartsa tungo sa entablo habang suot mo ang alampay mo.โ€

๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™™๐™–๐™ก๐™ž ๐™ฃ๐™– ๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™–๐™ , ๐™ข๐™–๐™ ๐™–๐™ ๐™–๐™ช๐™ฌ๐™ž ๐™ฃ๐™– ๐™–๐™ ๐—ผ

Sa pagkatagal-tagal na panahong ginugol niya sa trabaho bilang OFW, hangad niyaโ€™y maibigay ang pangangailangan ng mga nooโ€™y batang paslit pa lamang ng kaniyang pansamantalang iwan.

Ika niya, โ€œSapat na ang mapalaki ko kayo nang maayos at mapagtapos sa pag-aaral.โ€ Gasgas man na salita kung sa ibaโ€™y maituturing, hindi pa rin ito mapapantayan ng anumang materyal na bagay. Itoโ€™y isang tila gintong gantimpala na sa atin, lalo na sa isang OFW tulad ng aking ina, ay panghabambuhay nang nakakabit.

Sa likod ng bawat tagumpay ng anak ay ang lakas ng loob, tiyaga, at pagmamahal ng isang inang nagsilbing ilaw hindi lamang ng tahanan kundi pati ng daan habang tayoโ€™y naglalakbay.

Sandali na lamang, magsasama na tayong muli โ€” hindi na kilometrong layo ang ating distansya, hindi na rin limitado ang oras ng ating pag-uusap, hindi na tayo sa iskrin magsasagutan ng halakhak.

Sandali na lamang, magsasama na tayong muli โ€” mahahagkan ka nang walang pag-aatubili
at walang kasabay na pagmamadali.

Sandali na lamang.

Dibuho ni Justin Salvatierra, Unibe Artist

Comments