Opinion

๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ธ๐—ถ๐—น ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป

๐˜’๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ฌ๐˜ต๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฐ, ๐˜ด๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฐ.

Kinailangang kumalas ni Veronica "Kitty" Duterte sa kaniyang โ€˜๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฆ-๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฆโ€™ ๐˜ฃ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ sa Instagram. Kilala ang dating first daughter sa kaniyang ๐˜ข๐˜ฆ๐˜ด๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ต๐˜ช๐˜ค na IG wall โ€” ang ๐˜๐˜ช๐˜จ๐˜ฉ๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ฉ๐˜ต๐˜ด ng kanilang pamamasyal sa iba't ibang bansa, ang kaniyang ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ด ng ๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ถ๐˜ต๐˜บ ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ค๐˜ต๐˜ด, at maging ang retrato ng kanilang buong masayang pamilya.

Mapapasabi ka na lang, tila walang iniindang kirot itong taong ito. Walang pinaslang na kapamilyang kinangungulilaan. Hindi nagmamakaawa ng hustisya mula sa sistemang panghukuman. Nagpapakasasa sa kaliwa't kanang pribilehiyo dahilan upang maging manhid sa tunay na danas ng masa.

Subalit ang noo'y nananahimik sa mga usaping politika, natagpuang kinukuwestiyon ang kalagayan ng hustisya kahapon, Marso 11. Saksi ang higit daang libo nitong IG Story viewers sa kaniyang nakasusukang paawa โ€” kung paano umano inaresto ang kaniyang ama, dating pangulong Rodrigo Duterte, nang walang arrest warrant.

Ang hindi alam ni Kitty, isang mahinang halinghing lamang ang reklamo ni Digong kumpara sa nakabibinging palahaw ng mga inosenteng nagmamakaawa noong gabing pinagkaitan sila ng karapatang-pantao. Tama. Nakabibingi. Dahil bagama't malakas ito'y hindi ito sapat upang marinig.

Isang maliit na pixel lamang ng napakalaking retrato ng pasismo at pang-aabuso ang mga reklamong kaniyang ibinabahagi sa Instagram.

At hindi niya ito mahihinuha hangga't pikit pa rin ang kaniyang pekeng mata sa 30,000 biktima ng war on drugs ng kaniyang ama. Masyado siyang nakatutok sa mga larawang kaaya-aya at magaan sa paningin. Bakit hindi siya umatras ng isang hakbang at tingnan ang nakahihindik-balahibong retrato ng extra-judicial killings?

Ang mga larawan ng mga inosenteng menor de edad na itinuring lamang na "collateral damage" ng kapulisan. Ang mga inang nawalan ng anak at asawa. Ang mga padre de pamilyang pinaslang nang hindi nabigyang-pagkakataong malitis sa korte. Si Kian Delos Santos, 17. Reynaldo "Kulot" De Guzman, 14. Carl Arnaiz, 19. Ilan lamang sila sa mga buhay na kilala na lamang bilang numero, habang ang iba'y hindi nga nabigyan ng tyansang mabilang ang ulo.

At bago ninyo sabihing kinailangan silang mapaslang dahil banta ang kanilang di-umano'y pagiging "adik" sa seguridad at kapayapaan, balikan lamang ang IG Story ni Kitty: "Illegal detention. No warrant of arrest." Maging siya'y naniniwalang kailangang dumaan sa due process ang pag-aresto dahil isa itong basic human rights.

Bagamaโ€™t intindido ang reaksiyon ni Kitty at ng iba pang loyalista ni Duterte dahil malapit sila sa kanilang tinatawag na โ€œTatay,โ€ ang gusto ko lang sabihin: ang pagbabasa ay hindi nakamamatay. Ang paulit-ulit na tanong ni Kitty sa kapulisan noong kinukumbinsi si Digong na sumama sa kanila, ay madali sanang nasagot kung bukas ang kaniyang kaliwaโ€™t kanang tainga sa katotohanan, dahil kailanman ay hindi ito mahaharang, gayundin ang hustisya.

Hindi lamang ito pagtuligsa sa anak ng dating presidente, isa itong pagtawag sa atensyon ng mga loyalistang pinipili pa ring punasan ang iniwang dugo ng giyera kontra drogang sinimulan ni Duterte.

Lunurin man ang ating Instagram feed ng mga mababango, kaaya-aya, ngunit pekeng retrato upang matabunan ang katotohanan sa likod ng war on drugs, mananatili pa ring nakapaskil ang mga tunay na larawan ng pang-aabuso at panunupil.

๐™ˆ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™ช๐™๐™–๐™ฎ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™๐™ช๐™จ๐™ฉ๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™–. ๐™ƒ๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ž๐™ฉ๐™ค ๐™ž๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ ๐™–๐™ž๐™ฉ ๐™ ๐™ช๐™ฃ๐™œ ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ก๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™–๐™ฎ๐™ค ๐™ข๐™–๐™œ๐™๐™ช๐™๐™ช๐™ง๐™ช๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™™๐™ค, ๐™ ๐™ช๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ ๐™ก๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™–๐™ฎ๐™ค ๐™–๐™ฅ๐™š๐™ ๐™ฉ๐™–๐™™๐™ค.

Comments